Nagkita sa isang event sina GMA sportscaster/TV host Martin Javier at social media personality-commercial model Kevin Ty na parehong hindi pinili ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee sa segment ng "EXpecially For You" sa noontime show na "It's Showtime."

Ang mapalad na searchee na "bumihag" sa interes ni MMD ay si Cebu-based lawyer Atty. Oliver Moeller.

Ibinida ni Kevin ang larawan nila ni Martin.

"May nakasalubong ako the other day madlang people!" ani Kevin sa kaniyang caption, kalakip ang larawan nilang dalawa.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

View this post on Instagram

A post shared by Kevin Ty (@kevinvty)

Nakakaloka naman ang mga komento ng netizens dahil tila silang dalawa na ang "shini-ship" lalo't nauuso ngayon ang "bromance."

"Mga Pogi expelled nag date😍na lang kc napili mmd na expelled din sa expecially for u… man to man na lang kyo💪🏾"

"Kayo na lang hahaha."

"Bagay kayo"

"meant to be"

"@michelledee ate, sila nga pala yung sinayang mo."

"ending sila ang nag date! 😍🔥🙌"

"Uy, bagay kayong dalawa, kayo na lang mag jowa 😍😍😍😍"

"Sa dulo ng lahat ng ito, KAYO LANG PALA ANG MAGDE-DATE?😂 😂"

View this post on Instagram

A post shared by Kevin Ty (@kevinvty)

Samantala, matatandaang nabalita ang muling pag-follow ni MMD kay Atty. Oliver matapos daw ang pag-unfollow rito kamakailan.

Nang tanungin naman si Michelle kung kumusta ang date nila ni Atty. Oliver, sinabi ng beauty queen-actress na "Secret!"

MAKI-BALITA: Michelle Dee, inunfollow raw si Atty. Oliver Moeller at binura ang pic kasama siya

MAKI-BALITA: Urong-sulong? Michelle fina-follow na ulit si Atty. Oliver

MAKI-BALITA: Michelle Dee, inurirat kung kumusta date nila ni Atty. Oliver Moeller