Kaka-upload lang ng aktres at social media personality na si Ivana Alawi ang kaniyang "Makeup trend" TikTok video nitong Lunes, Abril 22 subalit pumalo na ito sa higit 10 million views.

Simple lang ang ginawa ng "FPJ's Batang Quiapo" star dahil umawra-awra lang siya at nag-shift ng makeup at postura mula simple hanggang maging "Dalagang Pilipina" subalit patok na patok ito sa mga netizen.

Ginamit ni Ivana ang kantang "Pilipinas" na inawit ni Angeline Quinto bilang background music.

Relasyon at Hiwalayan

Barbie Forteza, handa nang magpakasal?

Ganiyan kalakas si Ivana pagdating sa social media, na may 12.4M followers lang naman sa nabanggit na social media platform, 22M sa Facebook, 10.2M sa Instagram, at 6.1M sa X.

Anyway, binigyang credits naman ni Ivana ang nag-makeup sa kaniya na si Paul Unating, at ang nag-ayos ng hair ay si Aryan Buccat.

Ang kumuha ng video ay si Luis Ruiz at ang concept naman ay kay Adrianne Concepcion.