May reaksiyon ang aktres na si Vivian Velez sa naging pahayag ni First Lady Liza Araneta-Marcos patungkol sa bashers at kritiko nila ng asawang si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.

Ibinahagi ni Vivian ang ulat ng Balita na tila may pinatututsadahan siya sa kaniyang Facebook post noong Abril 20, 2024 tungkol sa isang "mukhang palaka."

Ibinahagi ni Vivian sa kaniyang post ang kaniyang sariling litrato noong Oktubre 12, 2022 na may caption na "Bring it on. We can do this."

"Dapat ganyan ang itsura mo [pag sinasabi] mo ang 'bring it on' 😅 hindi yung mukha kang palaka 🐸" caption dito ni Vivian.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Bagama't walang binanggit na pangalan o kung sino ang pinatutungkulan, batay sa comment section nito ay makikitang ang pinaghugutan nito ay ang pahayag ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa panayam sa kaniya ni Anthony "Ka Tunying" Taberna.

Ibinahagi naman ni Vivian ang isang art card na nagpapakita sa naging kontrobersiyal na pahayag ni FL Liza.

Nakaabot naman kay Vivian ang ulat ng Balita at binigyan ng reaksiyon.

"I know it may sound harsh, but she remarked, 'Look at our faces, we're getting uglier for critiquing the government, and she is cute.' Who introduced the discussion of physical appearance? My point is, before labeling others as unattractive, take a look at yourself first," ani Vivian.

Gumamit siya ng hashtag na "#UnbecomingAFirstLady."

Bukod dito, sa iba pa niyang posts ay makikita ang tila pasaring pa niya kay FL Liza gaya ng tungkol sa "witch" sa fairy tales, gayundin sa sinabi ng Unang Ginang na cute siya.

"Cute daw sya, que horror!? Pati pala salamin sa palasyo, sinungaling" sey ni Vivian kalakip ang kaniyang litrato.

Si Vivian ay masugid na tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Noong May 2022 presidential elections, bagama't si dating Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso ang sinuportahan at kinampanya niya, ang kaniyang vice presidential candidate naman ay si Vice President Sara Duterte.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si FL Liza tungkol sa naging banat ni Vivian.

MAKI-BALITA: Pag magsasabi ng ‘Bring it on:’ Vivian may pasaring sa ‘mukhang palaka’