Pinutakti ng samu’t saring komento mula sa netizens ang video ng aktres na si Kylie Verzosa.

Sa naturang video na inupload ni Kylie noong Abril 20, confident niyang ibinalandra ang katawan niya habang nagbibihis para sa isang event na dadaluhan. Base sa Instagram post niya, um-attend siya sa Revolve Festival sa California.

Tsika at Intriga

Jen Barangan, kinuyog matapos mag-lights on recording sa Olivia Rodrigo concert

Bagamat confident naman, hindi pa rin naiwasang makakuha ng komento mula sa netizens. Marami ang nagtatanong kung anong nangyari sa aktres dahil nasobrahan daw ito sa payat at halos kita na raw ang buto. Pero mayroon namang nagtatanggol kay Kylie.