Dumagsa ng pagbati para sa 39th birthday ng tinaguriang "Angel of Philippine Showbiz" na si Angel Locsin, na sadly, hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpaparamdam o nagpo-post ng kahit ano sa kaniyang social media platforms.

Kung may posts man sa mga social media accounts na nakapangalan sa kaniya, puro throwback photos at videos lamang ito, at hindi pa talaga kung ano ang estado o updates sa kasalukuyan.

Kaya naman, kasabay ng pagbati sa kaniyang birthday, ay birthday wish ng kaniyang fans at supporters na sana raw, magpakita na siya o magparamdam sa social media.

Simula kasi nang matapos ang presidential elections noong 2022 ay hindi nagparamdam si Angel sa social media, at malapit na itong magdalawang taon.

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

Tanging ang bestfriend na si Dimples Romana lamang ang nakakadalaw at nakakakausap sa kaniya, kaya siya rin ang nagbigay ng assurance na nasa maayos na lagay ang kaibigan, at hindi totoo ang mga kumakalat na tsikang hiwalay na sila ng mister na si Neil Arce.

Narito naman ang birthday message ng mga netizen para kay Angel:

"IDOL HAPPY HAPY BIRTHDAY! ♥️♥️♥️ magpa kita kana please."

"Happppppyyyyyyy burtday REAL LIFE DARNA MISSSS ANGEL LOCSIN..... MISSSS NA MISSS NA KITA 🎂🎂🎂🎂🎂🎂🎂🎂🎂🎂🎂🎂🎂🎂🎂🎂🎂🎂🎂 SANA SA PAG BALIK MO ISA ITO G MALAKING PANG GULAT AT PASABOG NAWAY NASA ABS CBN KAPA DIN."

"I miss my Angel, I miss watching you on tv, comeback na po.🤧🤧"

"We love you, Angel. Words cannot express how happy we are that you finally found The One - the one who'll always be loyal to you, faithful, and will love you through the ups and downs. As someone with a heart as big as yours, you only deserve such good and pure things. Now it finally makes sense why you had to go through what you went through before... Because God was leading you to this moment and this life. I hope and pray you continue to live a blessed, generous, and pure life. You are such an inspiration and help to many."

"Love you @therealangellocsin hope you’re doing well , miss na kna nmin mga angels mo 😢"

"idol! Happy Birthday miss kana namin,sana ok ka lang"

Kaya tanong ng bayan, kailangan nga ba magpapakita ang tinaguriang "real-life Darna?"