Ibinahagi ng "Unang Hirit" weatherman-TV host na si Anjo Pertierra ang pagtungo niya sa Buscalan, Kalinga upang magpatattoo kay Apo Whang-od, ang dinarayong pinakamatandang mambabatok o tattoo artist sa Pilipinas.

"Ibang klase talaga ang Pilipinas! Ang daming yaman na nakapaligid, na kailangan mong suyurin para makita at ma-experience! 12 hours of land trip was so worth it," ani Anjo sa kaniyang Instagram post.

Aniya pa, iba raw ang pakiramdam na nakaharap na niya si Apo Whang-od na itinuturing na isa sa mga "yamang-tao" ng bansa.

"Ibang pakiramdam kapag nakita, nakausap at nakapag pa tattoo ka sa nag iisang Apo Whang-od. Isa sa yaman ng Pilipinas na kailangang ingatan at protektahan 🫶🏻"

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ibinahagi rin ni Anjo ang "pagdaklot" sa kaniya ng mambabatok, na naging trademark na nito, na ginagawa niya sa mga lalaking nagpapa-tattoo sa kaniya.

Napa-sana all na lang ang mga netizen kay Apo Whang-od.

"Ngayon ko lang nakitang ngumiti si apo whang-od ng ganyan ah"

"Ang suwerte naman ni apo whang-od lods, nahimas nya ang likas na yaman mo"

"Dinakot pre hahaha"

"hawak na ni apo ang likas na yaman"

"Sana all na lang. Napatayo ba niya yan?"

"Ang saya ni Whang-Od"

"hayyy gusto ko na lang manirahan sa Buscalan at maging mambabatok"

"Ma papa sana all ka nalang talga haahah kotang kota ka na apo wang odd"

"nakaiskor na naman si apo haha."

Matatandaang kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang pagdakma ni Whang-od kay Kapamilya star at Ultimate Heartthrob Piolo Pascual.

MAKI-BALITA: Fans, inggit! Apo Whang-Od, dinaklot si Piolo Pascual