Nagbigay ng reaksiyon ang Unkabogable Star at “It’s Showtime” host na si Vice Ganda kaugnay sa mga taong nabubuwisit sa kaniya.

Sa latest episode kasi ng “On Cue” noong Sabado, Abril 20, naitanong ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe kay Vice Ganda kung paano nito hina-handle ang mga natatanggap na batikos.

“It’s so fulfilling. Alam mo, it is so satisfying. Kasi wala naman akong magagawa sa kanila, e. Whatever I do ‘di ko sila mapapasaya kasi to begin with, they hate me," saad ni Vice Ganda.

“They don’t like me. So, they will never like to see me succeed, and be okay, and experience beautiful things in life. Hindi sila magiging masaya,” aniya.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Dagdag pa ng Unkabogable Star: “So, kapag nakikita kong nabubuwisit sila, ibig sabihin may nangyayaring maganda sa akin. Kasi kapag ang nangyayari sa akin, chaka. Wala naman ‘yang mga reaksiyon, e, kasi nagse-celebrate sila no’n. Pero ‘pag may nangyaring maganda sa akin, doon talaga sila magtatrabaho.”

Samantala, sa isang bahagi ng panayam, nabanggit naman ni Vice Ganda ang tungkol sa bagong ilalabas niyang kanta na para daw mismo sa mga taong galit na galit sa kaniya.

MAKI-BALITA: Vice Ganda, gumawa ng kanta para sa mga taong nabubuwisit sa kaniya

Pero bukod sa kanta, may bago rin siyang nilulutong pelikula na ididirek ng award-winning director na si Jun Lana.

MAKI-BALITA: Vice Ganda, nahihirapang makuha ang buong suporta ng LGBTQIA+ community

MAKI-BALITA: Vice Ganda, Jun Robles Lana gagawa ng pelikula