Tila nagsisi raw si "Eat Bulaga" host Maine Mendoza sa pagpapagupit sa ibang bansa, ayon sa kaniyang latest X post.

Sey ni Mrs. Atayde, "When you are in a foreign country and you make a spontaneous decision to get a haircut at a well-known hair salon for the ✨experience and spontaneity✨ only to regret it later. 🥹"

[embed]https://twitter.com/mainedcm/status/1781901261157400834[/embed]

Sa kaniyang TikTok post ay makikita ang bagong look ni Menggay na may short layered bob haircut, na ayon sa mga netizen ay bagay naman sa kaniya.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

[embed]

Tila hindi yata nagustuhan at iniyakan ni Maine ang very short hair niya.

Nang sabihan ng isang netizen na nami-miss na niya ang long hair ng host, "I like my short coz it’s so light (but not this short ha), and tbh i don’t think magpahaba pa ako ever ✌🏻"

[embed]https://twitter.com/mainedcm/status/1781998288151216316[/embed]

Kinalamay naman ng mga netizen ang kalooban ni Maine, dahil huwag daw siyang mag-alala dahil maganda pa rin siya at mabilis naman daw hahaba ito.