Nag-alala ang fans ng singer, songwriter, at actor na si Juan Karlos Labajo dahil sa aksidenteng nangyari sa kaniya matapos ang concert na ginanap sa Orani, Bataan.

Sa latest Facebook post kasi ni JK nitong Linggo, Abril 21, ibinahagi niya ang isang larawan kung saan makikitang nakabenda ang ibabang bahagi ng kaniyang kaliwang binti.

“Isa sa mga pinaka energetic at pinakamagandang crowd na nakasama namin this year!” saad ni JK.

Dugtong pa niya: “Orani, talagang nahulog ako sa inyo! Sobrang saya! Hanggang sa muli!”

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Get well.....soon.take good care!”

“Nahulog din kami sau Juan Karlos🩷♥️...getwell soon...isa sa pinakamagaling mag perform kahit siguro tulog ang crowd eh magigising mu😂😁♥️”

“Thankyou idol sana nag enjoy ka dto sa orani bataan🤗”

“Wow ikaw na juan karlos napasaya mo ang byan ng orani bataan mag pagaling ka agad and always stay safe tnx”

“Super galing mo no dull moments ang pogi mo pa❤❤❤”

“GRABEEEE!!! NAPAKA SOLID MO TALAGA GINO 🥹🥹🥹 I LOVE YOUUUUU! BALIK KA 🤍🤍🤍”

“Get Well Soon JK God Bless You 🙏♥️”

Bagama’t walang binanggit na detalye tungkol sa dahilan ng kaniyang aksidente, isang netizen ang nagbahagi ng isang video clip na kuha sa naturang event kung saan makikitang tila natapilok si JK.