Ibinida ng TV host-actress-vlogger na si Alex Gonzaga ang mga larawan nila ng sikat na social media personality-paresan owner na si "Diwata" kasama pa ang mister niyang si Mikee Morada.

Kamakailan lamang ay nagsadya ang mag-asawa sa pamosong paresan ni Diwata upang makipag-collab ng content.

Sa kanilang mga larawan, nasabi ni Alex na parang naging "third wheel" daw siya kina Mikee at Diwata.

"Akin ang asawa ko diwata. Walang sayo akin sya. Lumabas pa dito parang ako ang naging third wheel at asungot dito," caption ni Alex sa mga larawan nila.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Samantala, mapapanood ang content nila sa kani-kanilang social media platforms. Maraming nagsasabing sana raw ay sumalang sa "Toni Talks" si Diwata at makapanayam ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga-Soriano dahil for sure, marami silang words of wisdom na maibabahagi sa isa't isa.

Kamakailan lamang, ilang netizens ang nagpahayag ng concern para kay Diwata dahil tila "ginagatasan" daw siya ng kapwa content creators na nagpupunta lang sa kaniyang paresan para gawin siyang content, at hindi naman daw siya binabayaran man lamang.

MAKI-BALITA: Diwata halos araw-araw kino-content, ‘ginagatasan’