Nabuksan ang kuryosidad ng mga netizen kung kaninong pangalan ang tinakpan ni Mariel Rodriguez-Padilla ng heart emoji sa screenshot ng kumbersasyon nila sa private message ng mister na si Sen. Robin Padilla, tungkol sa "pag-amin" nitong may iba siyang girlfriend na maglalabas ng ebidensya laban sa kaniya.

"What if sabihin ng asawa mo may girlfriend siya? Ano reaction mo?" caption ni Mariel sa kaniyang Facebook post.

Kalakip ng post na ito ang screenshots ng usapan nila ng mister sa private message. Makikitang tila may nais daw amining "eskandalo" si Sen. Robin sa kaniyang misis, na ikinabahala naman ni Mariel.

Gayunman, nagpauna nang nagsabi si Mariel na anuman ang isisiwalat ni Robin ay mananatili siya sa likod nito.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dito na sinabi ni Robin na may "bagong girlfriend" na siya.

Ito raw ay walang iba kundi ang award-winning international singer na si Taylor Swift.

Titulo kasi ang pangalan ni Robin sa bagong kanta ni Swift.

Halos "mamatay" naman daw sa selos at kaba si Mariel pero sinabi niyang never siya nagalit kay Robin, cute ito at nami-miss niya.

MAKI-BALITA: Robin may ‘bagong jowa;’ Mariel, halos mamatay sa kaba, selos

Ngunit bukod dito, palaisipan sa mga netizen lalo na sa mga "marites" kung sino ang tinakpan ni Mariel sa isa sa mga screenshot ng convo nila ni Robin.

"Babe kung ano man yan alam mo na ako ay lagi nasa likod mo."

"Ano nangyayari?" untag ni Mariel.

"Babae babe."

"Naglabas ng yun babae ng ebidensya."

"Batid na ng buong mundo," sey ni Robin.

"Ha?"

"Hindi ko maintindihan."

"Ang alam ko lang si..."

Sa bahaging ito, tinakpan ni Mariel ng malaking heart sticker ang pangalan ng binanggit niya.

Dinumog naman ito ng mga netizen at inusisa si Mariel kung sino ito.

"Meron talaga kc Ang alam nya lang c ??? Haha"

"Sino po? Patanggal na ng sticker pls. Baka di po ako makatulog."

"Sino po? Pakireveal na para machismis kuna dito samin. Tagal ko ng nagkukulong sa bahay namin."

"Sinong alam mo mariel? Hahaha"

"Heart reveal naman"

"Sino yarn naka heart mariel hahaha"

"Ay paalis naman po ng takip haha, tsismis..."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Mariel patungkol dito.