Inamin ng Vivamax star na si Salome Salvi na masaya raw siya sa mga ginagawa niyang porn video nang kapanayamin siya sa “Toni Talks” nitong Linggo, Abril 21.

Tinanong kasi si Salome ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga kung ano ang nararamdaman niya kapag pinapanood ang sarili niya sa mga adult content na ginagawa niya.

“Ako, personally, ‘yon nga masaya ako sa ginagawa ko, e. And alam ko within myself na I have a lot skills. I can do so many things. But I think sex is what I’m best at,” saad ni Salome.

“Kasi I’m really in tune with my body. Malakas ang empathy ko. So, I really connect well with my sexual partners,” aniya.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Dagdag pa niya: “Parang I have that kind of relationship with sex work and I don’t see myself leaving it anytime soon because it’s something that gives me a lot of joy.” 

Pero sa kasalukuyan, hindi raw interesado si Salome na pumasok sa isang relasyon dahil sa failed relationship na naranasan niya noon.

Bukod sa paggawa ng porn at pagganap sa ilang pelikula sa Vivamax, si Salome ay mapapanood din sa teleserye ng GMA Network na “Black Rider” bilang si “Annabel.”