Nakakaloka ang "rebelasyon" ng TV host-social media personality na si Mariel Rodriguez-Padilla matapos niyang sabihing may "bagong girlfriend" na ang kaniyang mister na si Sen. Robin Padilla.

"What if sabihin ng asawa mo may girlfriend siya? Ano reaction mo?" caption ni Mariel sa kaniyang Facebook post.

Kalakip ng post na ito ang screenshots ng usapan nila ng mister sa private message. Makikitang tila may nais daw amining "eskandalo" si Sen. Robin sa kaniyang misis, na ikinabahala naman ni Mariel.

Gayunman, nagpauna nang nagsabi si Mariel na anuman ang isisiwalat ni Robin ay mananatili siya sa likod nito.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Pinakaba" muna ni Robin ang misis niya at sinabing may "girlfriend" siya na maglalabas ng mga ebidensya laban sa kaniya.

Dito na sinabi ni Robin na may "bagong girlfriend" na siya.

Ito raw ay walang iba kundi ang award-winning international singer na si Taylor Swift.

Titulo kasi ang pangalan ni Robin sa bagong kanta ni Swift.

Halos "mamatay" naman daw sa selos at kaba si Mariel pero sinabi niyang never siya nagalit kay Robin, cute ito at nami-miss niya.