Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang probinsya ng Davao Oriental nitong Sabado ng umaga, Abril 20, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 10:22 ng umaga.
Namataan ang epicenter nito 85 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Baganga, Davao Oriental, na may lalim na 1 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.