Gustong sabunutan ng mga netizen ang "mahabang hair" ng komedyanteng si Brenda Mage matapos ibida ang pakikipagkilala sa isang foreigner habang nagbabakasyon sa Singapore.

"Is He the One? Ho i met Him in Singapore?" caption ni Brenda sa kaniyang video.

"Ang guwapo niya no? Feeling ko kami na talaga," biro ni Brenda.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Game naman ang afam na nagbigay ng kaniyang social media platforms kay Brenda at nagpa-picture pa rito. Hindi lang si Brenda ang nagpa-picture sa kaniya kundi maging ang mga kasamang kaibigan ng dating Miss Q&A contestant at Pinoy Big Brother celebrity housemate.

Biro ng kasama ni Brenda, "Magpapasira na rin kami ng mukha ngayon."

"Yeah, sa lahat ng mga nanonood ngayon, if you want to get some boys like that, just ruin and break your face like me!" biro ni Brenda.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Itayo ang bandera ng Pinas!"

"Kakayanin, titiisin, hindi iiyak!"

"Go Brenda, kayang-kaya mo 'yan!"

"Isang Pinay na naman po ang mawawarak hahaha."

"Nasa afam ang forever talaga Brenda."

Matatandaang kamakailan lang ay inamin ni Brenda na hiwalay na sila ng kaniyang jowang si Gio Sta. Ana.

MAKI-BALITA: Brenda Mage sa hiwalayan nila ng jowa: ‘Importante nagkatikiman!’

MAKI-BALITA: Brenda Mage at jowa, hiwalay na: ‘Salamat sa 22 months nating dalawa!’

Samantala, hindi pa nagbigay ng updates si Brenda kung nag-uusap na ba sila sa socmed ng afam.