Tila dedma lang si Kapuso star Bianca Umali sa mga umiintriga sa jowa niyang si Ruru Madrid at sa Vivamax sexy actress na si Angeli Khang.

Sa latest Instagram post kasi ni Ruru nitong Biyernes, Abril 19, bukod sa ibinahagi niyang super sweet photo nilang dalawa, binati rin niya rin si Bianca para sa kanilang “Seventy months of love, laughter, and endless adventures together.”

“Mahal, your love and support mean the world to me. Thank you for choosing to love me every day. At pangako ko na ikaw lang ang pipiliin ko sa araw-araw, pangako 'yan,” pahayag ni Ruru.

“Here's to a lifetime of love and countless memories with you, my forever and always,” dugtong pa ng aktor.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Ginantihan din naman ni Bianca ng matamis na tugon ang mensaheng ito ng nobyo: “Sa araw araw ng habang buhay minahal, mahal na mahal at mamahalin kita, Ruru, mahal ko.”

“Saksi ang Ama sa ating dalawa,” aniya pa.

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Ending nyan hiwalayan ng bongga”

“bagay talagang maging buklod!!! 🥰”

“Happy Forever!!! Love you both @rurumadrid8 @bianxa !!! ❤️❤️❤️”

“Naiyak ako 🥲 Praying for your lifetime relationship. MAHAL ko kayo RuCa ❤️”

“Lab ko kayo ! Praying for your happiness always mga alaga ko. “

“Pag ang lalaki ay may post na bible verse o hawak na rosary. Alam na kung gets niyo gets niyo.. 😂”

Matatandaang kamakailan lang ay nagbigay ng babala ang mga netizen kay Bianca matapos ipalabas ang bagong video teaser ng “Black Rider” kung saan ipinakilala si Angeli bilang bagong makakatambal ni Ruru.

MAKI-BALITA: Bianca Umali, dapat kabahan sa pagpasok ni Angeli Khang sa ‘Black Rider?’