Mukhang may chemistry daw sina "Black Rider" lead star Ruru Madrid at ang Vivamax star na si Angeli Khang matapos mag-appear sa nabanggit na serye ang huli.

Sa mismong post ng GMA Public Affairs, sinabi nilang "nagpatikim" na raw si Angeli kay Ruru, lalo na sa aktingan.

May hashtag nga itong #NimfaTikim.

"Ano kaya ang unang patikim na eksena sa pagtatagpo nina Elias at Nimfa?" mababasa sa caption.

Teleserye

Netizens windang sa 'Wish Ko Lang' dahil sa 'ipinagbabawal na bibingka'

First time kasing magsama sa isang proyekto ang dalawa, at ang nakakaloka pa rito, inamin nila na ang naging unang bonding nila ay "halikan" agad!

Kissing scene daw kasi ang unang kinunan sa kanila, bagay na huli na raw naipagpaalam ni Ruru sa kaniyang girlfriend na si Bianca Umali.

MAKI-BALITA: ‘First scene kiss agad! Tukaan nila ni Angeli, ‘di agad nasabi ni Ruru kay Bianca

Pero sey naman ni Angeli, trabaho lang naman daw at walang personalan. Aminado si Angeli na nanibago siya dahil ito ang beses na umarte siya para sa telebisyon.

"First scene namin ni Ruru, kiss agad. Sabi nga namin, wala man lang bonding? Heto na 'yong bonding namin, kiss na. Heto na 'yong bonding natin, kiss na agad," aniya.

MAKI-BALITA: ‘Bianca, pakatatag daw!’ Unang bonding nina Ruru at Angeli, kiss agad