Tiniyak ni National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya na buo pa rin ang suporta ng militar at pulisya kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kasabay ng panawagan nito sa mga kritiko na huwag idamay sa pulitika ang kani-kanilang hanay.

“Ang panawagan po ng National Security Adviser (Secretary Eduardo Año) is let us insulate our Armed Forces and the Philippine National Police (PNP) from partisan political activities. Huwag po natin silang gagamitin because in any democracy, the Armed Forces is supposed to be neutral and apolitical – kahit po sino magpalit-palit ng administrasyon, iyon po ‘yung commander-in-chief,” pahayag ni Malaya, tagapagsalita ni Año, sa pulong balitaan sa Quezon City nitong Sabado.

“Hindi sila magbibitaw ng mga salita to withdraw support from the President just because someone asked them to do so. They are professionals, they know the chain of command and they respect the rule of the military hierarchy and they have loyalty to the current Commander-In-Chief, President Bongbong Marcos,” ani Malaya.

National

Ex-Pres. Duterte sa mga kriminal sa Davao City: ‘Find another place!’

Malabo aniyang mangyari ang panawagan sa militar na bawiin nito ang suporta kay Marcos dahil lahat ng major unit nito ay sumusuporta pa rin sa Pangulo.

Kamakailan, nanawagan si dating House Speaker at Davao del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez sa AFP at PNP na mag-withdraw ng suporta sa punong ehekutibo upang tuluyang itong bumaba sa puwesto.

Ipinaliwanag ni Malaya na hindi alam ng pamahalaan ang umano'y "secret gentlemen's agreement" sa pagitan ng nakaraang administrasyon at ng China hinggil sa West Philippine Sea (WPS).

“We should not fall into a trap, which clearly shows and seeks to saw division in our country and weaken our resolve in asserting our sovereignty, sovereign rights and jurisdiction in the West Philippine Sea,” bahagi naman ng pahayag ni Año na isinapubliko ni Malaya.

Matatandaang humingi na ng paumanhin si Alvarez sa publiko nitong Abril 16 at sinabing "nadala lamang siya ng bugso ng damdamin."