Nasa maayos na kalagayan na ang senador na si Ramon “Bong” Revilla, Jr. matapos niyang sumailalim sa surgery para ayusin ang kaniyang napunit na achilles tendon.

Sa latest Instagram post ni Revilla nitong Biyernes, Abril 19, nagbahagi siya ng kaniyang larawan habang nasa hospital bed kasama ang pamilya.

“Ang aking taus-pusong pasasalamat sa lahat po ng inyong mga dasal! Done with surgery, and now on the road to recovery 🙏💪” saad ng senador. 

Dagdag pa ni Revilla: “Thanks again for interceding in prayer. God bless us all. 🙏”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nagpaabot naman ng panalangin ang mga netizen para sa agaran niyang paggaling. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Ninong Sen pagaling po agad .. praying for you”

“🙏❤️Get well po”

“Praying for your fast healing and recovery, Balae 🙏”

“Prayers for speedy recovery🙏🙏 Get well soon 🙏♥️”

“Get well po 😘🙏”

“Pagaling ka agad Sen. ❤️”

Matatandaang noong Martes ng gabi, Abril 16, ibinalita ni Revilla ang tungkol sa nangyari sa kaniya. Nakuha umano niya ang naturang injury dahil sa mabilis na pagtakbo sa set ng ginagawa nilang bagong pelikula.