Mahirap na raw magkaroon ng isang buong pamilya sa panahon ngayon ayon sa “Can’t Buy Me Love” star na si Anthony Jennings.

Sa eksklusibong panayam ni showbiz insider Ogie Diaz nitong Huwebes, Abril 18, nagbahagi si Anthony ng kaniyang pananaw hinggil sa pagpapamilya.

“May time for that. Naniniwala ako na darating ang panahon na darating ‘yong panahon na mapupunta rin ako sa gano’n. Kasi lahat naman tayo hinahangad natin is pamilya, e.” saad ni Anthony.

“Feeling ko ‘yon ‘yong mahirap mabuo ngayon, e, sa generation ngayon—‘yong magkaroon ka ng buong pamilya. Kasi halos lahat naman, di ba, pansin mo? Watak-watak na, broken family,” aniya.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Dagdag pa ng aktor: “Pero ako, since gano’n din ‘yong pinagdaanan ko sa parents ko. Hindi naman kami broken family pero syempre nawala na ‘yong dad ko. Alam ko ‘yong pakiramdam na ‘di kayo buo, e.”

Kaya naman, talagang ginagawa niya ang lahat para maibigay sa kaniyang pamilya ang nararapat sa mga ito. 

Matatandaang nagsimulang umalingawngaw ang pangalan ni Anthony nang makatambal niya si Maris Racal sa “Can’t Buy Me Love” dahil sa kanilang mga nakakaaliw at nakakakilig na eksena. 

MAKI-BALITA: ‘Sapaw sa DonBelle?’ Chemistry nina Maris at Anthony, bet ng netizens

In fact, binansagan na ngang  “SnoRene” ang loveteam nila. Kombinasyon ng pangalan ng kanilang character na sina “Snoop” at “Irene. At ayon pa kay Maris, thankful siyang makilala si Anthony dahil masarap daw katrabaho ang aktor.

MAKI-BALITA: Anthony Jennings, sobrang sarap katrabaho sey ni Maris Racal