Trending sa X ang pangalan ng showbiz insider/columnist na si "Cristy Fermin" dahil sa pagtatanong niya kay singer-actress Jayda Avanzado kung totoo bang nanligaw sa kaniya ang Kapamilya actor na si Seth Fedelin.

Photo courtesy: Screenshot from X

Si Seth Fedelin ay kasalukuyang katambal ng Kapamilya actress na si Francine Diaz, at ang tambalan nila ay kilala sa tawag na "FranSeth."

Nang usisain ni Cristy kung nanligaw ba sa kaniya si Seth, sinabi ni Jayda na "No comment."

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sey naman ni Cristy, sa tagal niya sa showbiz industry, alam na raw niya ang pakahulugan kapag sinabing "No comment."

Sa X. binanatan naman ng mga netizen sina Jayda at Cristy dahil sa "no comment" remarks niya. Bukod dito, tila naungkat daw kasi ang mga dating "rifts" sa pagitan nina Francine Diaz at Andrea Brillantes. Pinag-usapan din sa X ang umano'y tsikang "nagalit" daw si Francine nang magpa-picture si Jayda kay Seth noon.

"Jayda and Cristy Fermin reopened the rift between Andrea and Francine. Francine was minding her own business until that interview. She doesn’t care about Andrea and Jayda anymore. Yall want Andrea to be victim so bad."

"mukang mamatay lalo career netong batang to, tapos cristy fermin pa pinili nyang platfrom para magaganito goodluck"

"Francine Diaz, winarla si Jayda Avanzado dahil lang nakipag-picture ito sa Halloween event nina Blythe last year????"

[embed]https://twitter.com/AsiasTweetybird/status/1780318777948897454[/embed]

"di ako fan ng kung sino man involved but i dont think na she was smiling. i noticed her facial expression nung sinabihan ni cristy fermin na maldita si francine. also pinapanood ko ung facial expressions niya nung binabasa ung hate comments, i think shes keeping her face neutral."

"Dahil sa interview ni Cristy Fermin kay Jayda, nagkaroon nanaman ng fanwars sa pagitan ng mga fans nina Andrea Brillantes at Francine Diaz."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina Francine, Seth, at Andrea tungkol sa isyu. Bukas ang Balita sa kanilang panig.