Trending si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee dahil sa pag-guest niya sa "It's Showtime" nitong Huwebes, Abril 18.

Tamang-tama ito dahil hot topic pa naman ngayon ang umano'y pag-unfollow niya sa napiling searchee sa "EXpecially For You" na si Atty. Oliver Moeller.

Kaya naman, nang tanungin ni It's Showtime host Jhong Hilario kung kumusta ang date nila ng abogado, isang simpleng "Secret" lang ang sagot niya.

[embed]https://twitter.com/sapphicmmd/status/1780817519479292134[/embed]

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pareho ito ng sagot ni Atty. Oliver nang usisain naman siya nina Vice Ganda at Vhong Navarro nang minsang dumalaw siya sa noontime show.

"Secret," sagot ni Atty. Oliver.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina MMD at Atty. Oliver tungkol sa mga intrigang ibinabato sa kanila.