Usap-usapan ngayon ang pag-unfollow raw ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee kay Atty. Oliver Moeller, ang Cebu-based lawyer na napili niya sa segment na "EXpecially For You" ng noontime show na "It's Showtime," sa unang araw ng pag-ere nito sa GMA Network noong Sabado, Abril 6.
Timing ito sa pang-iintriga kay Atty. Oliver kung sino ang binibisita niya sa Showtime nang uriratin ng hosts tungkol dito.
"Parang may binibisita siya rito," ani Vhong Navarro.
"Oo, naku si Kim Chiu yata binibisita," diretsahang hirit ni Vice Ganda.
Kitang-kita namang tila "kinilig" si Kim Chiu at kumaway pa kay Atty. Oliver.
"Bakit ka nagbalik?" muling untag ni Vice Ganda.
Sagot ng abogado, "Ah... just wanted to meet some people lang here."
"Ah, some people," hirit ni Vice.
Sundot na tanong ni Vhong, may partikular bang tao na nais niyang makita?
"Maybe..." aniya.
Sa panayam naman sa kaniya ni ABS-CBN showbiz news reporter MJ Felipe, sinabi nitong hindi pa siya sanay sa mga atensyong natatanggap niya mula sa mga tao. Pati raw ang videos niya ng pagwo-work out na naka-upload sa social media platforms niya ay pinagpipiyestahan ng mga tao.
Nang matanong siya kung handa ba siyang pasukin ang showbiz, "I'm actually considering it. That's part of the reason why I'm here."
Sunod na tanong ni MJ, "Is is true that you had a crush on Kim (Chiu) prior to guesting sa It's Showtime?"
"Ah... I've always thought Kim was such a pretty person, you know she's from Cebu, so yeah I mean, I guess you could say that," sagot niya.
Segunda pa ni MJ, "Are you courting Kim?"
"Ahm, I don't think it's fair that I speak about that without Kim's permission, so, I'm so sorry I hope you understand, but Kim is pretty nice," tugon ni Atty. Oliver.
Pero hindi pa nagpaawat si MJ at inurirat pa nang mas espesipiko ang abogado.
"So siya ba ang binisita mo talaga rito sa Showtime?"
"Ah... I'm here to meet everyone," tugon nito.
Going back sa pag-unfollow, kung bibisitahin daw ang Instagram account ni MMD, hindi siya naka-follow kay Attorney, pero kapag binisita naman ang account ng huli, makikitang naka-follow siya sa beauty queen-actress.
Means to say ba na hindi nag-work out ang unang date nila? O paraan ito ni MMD para mag-give way sa "panliligaw" raw ng abogado kay Kimmy?
Well, wala pa silang tugon, reaksiyon, o pahayag tungkol dito subalit abangan na lang ang susunod na mga kabanata.