Nakapagpiyansa agad ang sikat na paresan owner na si "Diwata" matapos dakpin ng pulisya dahil sa kasong "slight physical injuries" na isinampa sa kaniya noon pang 2018.

Nasakote ng pulisya si "Deo Balbuena" sa Pasay City nitong Huwebes, Abril 18, sa kaniyang puwesto sa Diokno Boulevard, Brgy. 76, Pasay City.

Ayon sa panayam kay Pasay City Police Chief P/Col. Mario Mayames, Jr., inilabas ni Pasay City Metropolitan Trial Court (MeTC) Judge Allan B. Ariola ng Branch 48 ang warrant of arrest kay Diwata. Saad naman ni Pasay PNP Spokesperson PCapt Mark Jun Anaviso sa ulat ng ABS-CBN News, agad namang nakapagpiyansa si Diwata sa halagang ₱3,000.

Sikat si Diwata ngayon lalo na ang kaniyang paresan sa Pasay City na ilang beses na ring sinita ng lokal na pamahalaan.

Tsika at Intriga

Heart 'naiyak' dahil sa bagong glam team, anyare?

Kamakailan lamang ay nag-guest pa si Diwata sa seryeng "FPJ's Batang Quiapo" sa ABS-CBN.