Mukhang hindi nagustuhan ng mga netizen ang sitsit na umano'y inunfollow ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee ang napili at naka-date niyang searchee sa "It's Showtime" segment na "EXpecially For You" na si Atty. Oliver Moeller, at bukod dito, binura pa sa social media account ang picture na kuha nila together.

Nag-ugat ito sa tila pag-push daw at panunukso ng It's Showtime co-host (at actually maging ng netizens) kina Atty. Oliver at Kim Chiu.

Sa panayam nga ni ABS-CBN showbiz news reporter MJ Felipe kay Atty. Oliver, sinabi nitong nagsadya siya sa ABS-CBN para sa mga oportunidad na ibibigay sa kaniya, at mukhang papasukin na rin niya ang showbiz.

Sey niya, kinokonsidera niya ang pagpasok sa showbiz upang lumawak ang kaniyang koneksyon at network.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

Dito ay nauntag din siya kung nanliligaw na ba siya kay Kim. Shini-ship ang dalawa dahil pareho silang taga-Cebu. Sinasabing bago pa man daw mag-guest ang abogado sa Showtime, may crush na siya kay Chinita Princess.

"Is is true that you had a crush on Kim (Chiu) prior to guesting sa It's Showtime?" tanong ni MJ.

"Ah... I've always thought Kim was such a pretty person, you know she's from Cebu, so yeah I mean, I guess you could say that," sagot ng abogado.

Segunda pa ni MJ, "Are you courting Kim?"

"Ahm, I don't think it's fair that I speak about that without Kim's permission, so, I'm so sorry I hope you understand, but Kim is pretty nice," tugon ni Atty. Oliver.

Pero hindi pa nagpaawat si MJ at inurirat pa nang mas espesipiko ang abogado.

"So siya ba ang binisita mo talaga rito sa Showtime?"

"Ah... I'm here to meet everyone," tugon nito.

Sa kaparehong araw, napansin ng mga netizen na kung bibisitahin daw ang Instagram account ni MMD, hindi na siya naka-follow kay Attorney, pero kapag binisita naman ang account ng huli, makikitang naka-follow siya sa beauty queen-actress.

Burado na rin daw ang larawan nila na magkasama, na naka-post sa Instagram account ng beauty queen-actress.

Dahil dito, may mga nagpaparatang tuloy na netizens sa abogado na tila "ginamit" daw niya si MMD para lang makapasok sa showbiz, o kaya naman ay mapansin ni Kim.

Habang isinusulat ang artikulong ito, dumarami ang mga intrigerang netizens na nang-uurirat sa kanilang dalawa ni MMD, sa comment section ng previous posts nila.

Narito ang ilan sa mga usisa ng netizens kay MMD:

"bakit mo po unfollow si Atty Oliver 🥺🥺"

"Ang sinayang ni Attorney 😢🔥😍"

"Kpg Di na nglike si Oliver ibig sbhin done na 😔fav KO pa nmn silang dlwa 🥺"

"Bakit niyo po dinelete picture niyo ni Atty. Oliver noong segment niyo po?"

"Michelle why did you unfollow Oliver???????😢😢"

Samantala, narito naman ang ilang mga tanong sa abogado:

"I love michelle dee nawalan ako nang gana kay atty. Oliver so sad."

"Naboysit talaga ako nong interview Niya Kay MJ ..🙄 c kimchui namn parang binudboran nang asin sobrang halata .."

"Ako lang po ba nakapansin na dinelete ni Michelle yung picture nila ni Atty. Oliver noong date nila sa showtime? Meron po yun noong nakaraan eh."

"Wahahahhaa attrny wla kana bang trabho bat ka mag showbiz mahina b ung sahod mo.dyn nang gamit kapa nang malakas na fandom pati miss universe gnamit mo.nakakaloka ka.."

"Clout chaser talaga 'to. And akala talaga nya magugustuhan siya ni mmd. Hahaha hindi nga pinapansin. Kaya lumipat kay kim para mapag-usapan"

"Damn dude. Pursuing another girl within a week? You seemed like a good catch before all the clout chasing. @michelledee you dodged this one."

"You shouldn't have joined 'Expecially For You' if, at the end of the day, you were courting Kim pala. You can't blame us fans for being hurt, umasa rin kami sa inyo ni Michelle. Of course we watched the show and kinilig rin kami. Duh, di kami robot. I don't hate you, just really disappointed. Us fans of Michelle, it kinda looked like you were two-timing them at the same time. Well, not really since you are single you can do anything you want. Pero sana sinabi mo sa interview na hindi na kaayo nag-uusap instead of saying "secret." Cannot blame my girl, @michelledee , for unfollowing you. I guess hindi lang kayo meant to be💔 Bye.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Atty. Oliver at ni MMD tungkol sa isyung ito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.

MAKI-BALITA: Michelle Dee, inunfollow raw si Atty. Oliver Moeller at binura ang pic kasama siya