Usap-usapan ang muling pagbisita ng Cebu-base lawyer na si Atty. Oliver Moeller sa studio ng "It's Showtime," na ayon sa pang-uurirat ni Unkabogable Star at host na si Vice Ganda, ay mukhang may binabalikan.

Instant celebrity ang sporty lawyer mula sa Lapu-Lapu City na siyang napili ni Miss Universe Philippines 2024 Michelle Marquez Dee nang sumalang siya sa "EXpecially For You" noong Abril 6.

Dahil sa sinasabing "total package" na raw si Atty. Oliver ay hindi na naawat ang mga netizen sa pang-uurirat tungkol sa kaniya, lalo na sa kaniyang social media platforms.

MAKI-BALITA: Total package: Kilalanin ang Cebu-based lawyer na nagpakiliti sa madlang netizens

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

MAKI-BALITA: Paulo, inintriga ang post; nagselos sa reaksiyon ni Kim kay Oliver?

Hindi na raw nakapagtataka kung isang araw, tuluyan na ring pasukin ng abogado ang showbiz.

Anyway, kinulit nga ng mga host si Atty. Oliver kung sino ang binisita niya sa Showtime.

"Parang may binibisita siya rito," ani Vhong Navarro.

"Oo, naku si Kim Chiu yata binibisita," diretsahang hirit ni Vice Ganda.

Kitang-kita namang tila "kinilig" si Kim Chiu at kumaway pa kay Atty. Oliver.

"Bakit ka nagbalik?" muling untag ni Vice Ganda.

Sagot ng abogado, "Ah... just wanted to meet some people lang here."

"Ah, some people," hirit ni Vice.

Sundot na tanong ni Vhong, may partikular bang tao na nais niyang makita?

"Maybe..." aniya.

Sa panayam naman sa kaniya ni ABS-CBN showbiz news reporter MJ Felipe, sinabi nitong hindi pa siya sanay sa mga atensyong natatanggap niya mula sa mga tao. Pati raw ang videos niya ng pagwo-work out na naka-upload sa social media platforms niya ay pinagpipiyestahan ng mga tao.

Nang matanong siya kung handa ba siyang pasukin ang showbiz, "I'm actually considering it. That's part of the reason why I'm here."

Sunod na tanong ni MJ, "Is it true that you had a crush on Kim (Chiu) prior to guesting sa It's Showtime?"

"Ah... I've always thought Kim was such a pretty person, you know she's from Cebu, so yeah I mean, I guess you could say that," sagot niya.

Segunda pa ni MJ, "Are you courting Kim?"

"Ahm, I don't think it's fair that I speak about that without Kim's permission, so, I'm so sorry I hope you understand, but Kim is pretty nice," tugon ni Atty. Oliver.

Pero hindi pa nagpaawat si MJ at inurirat pa nang mas espesipiko ang abogado.

"So siya ba ang binisita mo talaga rito sa Showtime?"

"Ah... I'm here to meet everyone," tugon nito.