Hindi raw agad nasabi ni “Black Rider” lead star Ruru Madrid sa jowa niyang si Bianca Umali ang tungkol sa kissing scene nila ni Vivamax sexy actress Angeli Khang.

Sa eksklusibong panayam ng GMA Integrated News kay Ruru nitong Miyerkules, Abril 17, ibinahagi niya na nakaramdam daw siya ng awkwardness dahil unang pagkikita nila ay kissing scene agad ang ipinagawa.

MAKI-BALITA: ‘Bianca, pakatatag daw!’ Unang bonding nina Ruru at Angeli, kiss agad

Pero ipinaliwanag  naman ng aktor ang dahilan kung bakit hindi raw niya naipagpaalam ang tungkol sa naturang eksena. 

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

“Medyo nagulat ako na mayroon agad na gano’ng eksena [...] Syempre, alam naman natin, kailangang ipagpaalam ang mga ganyang bagay. E, dahil wala pong signal hindi ko po nasabi agad,” natatawang sabi ni Ruru.

“Kami kasi usapan namin, pagdating sa mga ganyang bagay wala naman kaming pigilan. Hindi naman namin pinapakailaman ang trabaho ng isa’t isa,” aniya.

Dagdag pa niya: “Kumbaga sa aming dalawa ni Bianca, dapat lang maging transparent kami kapag may mga ganyang eksena.”

Matatandaang tinukso ng mga netizen si Bianca matapos ipakilala si Angeli bilang bagong karakter sa video teaser ng “Black Rider” na inilabas kamakailan.

MAKI-BALITA: Bianca Umali, dapat kabahan sa pagpasok ni Angeli Khang sa ‘Black Rider?’