Nakakaloka ang rebelasyon nina Ogie Diaz at Mama Loi sa latest episode ng "Ogie Diaz Showbiz Update" kasama ang "back-up co-host" (literal na nasa likod) na si Dyosa Pockoh.

Napag-usapan kasi nilang tatlo ang pag-amin ng "A Journey" star na si Kaye Abad, na sa lahat ng mga naging ex-boyfriend niya, sa dating katambal na si John Lloyd Cruz siya nahirapang mag-move on.

MAKI-BALITA: Kaye Abad, nahirapang mag-move on kay John Lloyd Cruz

Matatandaang lagi silang magka-eksena noon sa patok na youth-oriented Sunday series na "Tabing Ilog" ng ABS-CBN kasama pa sina Jodi Sta. Maria, Baron Geisler, Paula Peralejo, Desiree Del Valle, Patrick Garcia, at Paolo Contis.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Naikuwento naman ni Ogie na dating kasama rin sa cast na matapos pala ang break-up nina Lloydie at Kaye, may katawagan na ang aktor.

Ang nabanggit na katawagan ng aktor ay ang aktres na si Ciara Sotto.

Anyway, si Kaye naman ay happily married na kay Paul Jake Castillo at may mga anak na rin habang si John Lloyd naman ay in a relationship kay Isabel Santos.

Sabi nga ni Ogie, "Ito'y napag-uusapan lang naman..."

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina Ciara Sotto at John Lloyd Cruz tungkol dito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.