Kinaaliwan ng mga netizen ang panayam kay 'Black Rider" lead star Ruru Madrid at sa bagong pasok sa cast na si Vivamax star na si Angeli Khang matapos nilang ibuking na ang first meet-up nila, sabak kaagad sila sa kissing scene!

Pag-amin ni Ruru, medyo "awkward" daw ang nangyari dahil unang beses pa lang nilang nagkita, pero kissing scene na agad ang kinunan sa kanila.

Biro nga nila, ito na raw ang nagsilbing "bonding" nila.

"Awkward kasi siyempre first time namin mag-meet today," ani Ruru.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sey naman ni Angeli, "First scene namin ni Ruru, kiss agad. Sabi nga namin, wala man lang bonding? Heto na 'yong bonding namin, kiss na. Heto na 'yong bonding natin, kiss na agad."

Samantala, pabiro namang sinabihan ng netizens ang girlfriend ni Ruru na si Bianca Umali na "magpakatatag" ito.

"Pakatatag ka Bianca!"

"Bianca kabahan ka na, unang bonding kiss agad hahaha."

"Bianca, hold on kaya mo 'yan..."

"Kumusta ka naman Bianca hahahaha."