Tila tama talaga ang paglalarawan ni Kapamilya actress Alexa Ilacad kay “It’s Showtime” host Darren Espanto bilang “makamandag na iho.”

MAKI-BALITA: Alexa Ilacad kay Darren Espanto: ‘Makamandag talaga’

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, Abril 15, inamin ni Darren na naging jowa niya noon si Kapuso actress Kyline Alcantara bagama’t maituturing na puppy love lang daw ang kanilang relasyon.

Naungkat ang tungkol dito matapos ang pagbisita ni Kyline sa “It’s Showtime” kamakailan. Napuna kasi ni Kim Chiu na panay daw ang tingin ni Darren sa Kapuso actress habang nagpe-perform sa naturang noontime show. 

Relasyon at Hiwalayan

'Sky is the limit daw!' Madir na si Jackie, aprub kay Kyline para kay Kobe?

Naintriga naman ang mga tao nang bumaling si Kyline kay Darren at sabihin ang katagang “kasi nga.” Nagsimula rin ang fans na i-ship sila sa isa’t isa.

MAKI-BALITA:  Sey ng kambal ni Carmina? Darren at Kyline, nirereto sa isa’t isa

“Mako-complete ko na po ‘yong sentence. Kasi nga naging kami dati. So, ‘yon. Kaya binibiro kami ni Ate Vice [Ganda],” pahayag ni Darren.

Ayon pa sa kaniya, tumagal daw sila ni Kyline nang isang taon.  Nagkahiwalay sila nang dahil sa misunderstanding. 

Gayunpaman, kapansin-pansin pa rin ang friendly at harmonious friendship sa pagitan nilang dalawa. Dahil ayon kay Darren, nang mag-mature silang pareho ay napag-usapan naman nila ang tungkol sa kanilang past relationship at naging okay sila eventually.