Usap-usapan ang pagpapasalamat ni Kapuso actor-TV host na si Paolo Contis sa pagtangkilik ng mga manonood sa comeback project nila ng "Tabing Ilog" stars na sina Kaye Abad at Patrick Garcia, na streaming na sa Netflix.

Sa maiksing video message na naka-upload sa official Facebook page ng Sparkle GMA Artist Center, nagpasalamat si Paolo sa mga manonood dahil nag-number 1 ang reunion movie nila sa nabanggit na online streaming platform.

"I just wanna thank all of you for making our movie 'A Journey' number 1 sa Netflix," anang Paolo.

"Maraming-maraming salamat po sa mga nakanood na. Sa mga hindi pa po nakakanood, please watch it. Still streaming on Netflix worldwide. Again, thank you very much."

Tsika at Intriga

Heart 'naiyak' dahil sa bagong glam team, anyare?

Hirit pa ni Paolo, umitim na raw ang buhok niya dahil sa sobrang saya niya.

"Ang saya-saya po namin. Sobrang saya po namin. Kita n'yo naman nangitim na 'yong buhok ko..."

MAKI-BALITA: Paolo Contis, nangitim na buhok sa saya dahil sa ‘A Journey’

Umani naman ito ng mga positibong reaksiyon at komento mula sa netizens. Ayon sa kanila, nagsara man ang isang pinto para kay Paolo ay may nagbukas pa naman para sa kaniya. Matatandaang noong Marso ay naligwak na sa ere ang noontime show na "Tahanang Pinakamasaya" ng TAPE, Inc. kung saan kabilang sa hosts si Paolo. Hindi rin daw matatawaran ang angking-husay ni Paolo pagdating sa pag-arte.

"I watched your movie in Netflix Paolo.. it’s a very amazing movie. And I will watch it again. I have really waited for it to be available. Congratulations!"

"In all fairness kay Paolo, lets give him credit too! Ang ganda ng story, ang galing nilang 3❤️Pinaka iniyakan k ata to na movie so far. Ung kakaiyak lang, iiyak n nmn ulit. I thought Im part of it sobra ung emotions nadala ko e.”

“May nagsara mang isa, marami pang bukas na pinto sa mahusay na aktor na si Paolo Contis”

"Well satisfied talaga ako sa pagkakapanood ng Journey is worth watching talaga i even recommed it to.my friends. You can feel.the sincerity of friendship parang hindi.sila.umaarte parang tottoo. Perfect talaga."

"Sobra galing mo Paolo Contis . Wala ako masabi. I really never doubted your craftsmanship."

Sa kabilang banda, may mga nagsabi namang pinanoood nila ang pelikula dahil kina Kaye at Patrick at hindi sa kaniya.

"Dahil kay Kaye Abad at kay Patrick kya kmi Nanood…👍👍 Iho payo lang sayo magaling kang umarte kya lang Na walang gana kmi sayo dahil sa ugali mo nasa Tahanan pinasara .. I wish Makabalik ka talaga..👍👍 CONGRATULATIONS!!!”

"Were watching for kaye and Pat not for you.. sustento kna kumita kna dib"

"Pinanood ko because of Kaye and Patrick, sorry..."

Bukod dito, pinansin din ng mga netizen na tila mukha na raw stressed at tumanda si Paolo batay sa video message niya sa Sparkle. Isang netizen pa nga ang nanisi sa kasalukuyang girlfriend ng aktor na si Yen Santos.

"bakit biglang tumanda c atty Pao?"

"hala anyari sau paolo?😅😅 nastress kb ky Yen hahaha"

"How old are uou paolo you look 80yrs old na 🤣🤣🤣omg"

"Pumayat c Paolo Contis"

"Wag ka masyado magpa2yat Paolo Contis"

"tanda na paolo"

"bat ang tanda n ng itsura m prang nadagdagan k ng 20 yrs s, edad m. mula ng nwala ung tahanang pinasara"

"Parang laki ng itinanda ni Paolo ah, stressed ang hitsura umimpis mukha at malalim eye bags.."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Paolo tungkol sa puna ng mga netizen sa kaniyang looks.