Itinampok ng isang concern netizen sa kaniyang Facebook post ang naispatang eksena sa isang abalang kalsada sa Malate, Maynila na nagpaantig sa damdamin sa social media.

Sa Facebook post ni John Albert Sanico, nakuha ang atensyon niya ng isang may edad na babaeng namamasura sa gilid-gilid kasa-kasama ang mga aso at pusa sa isang grocery push cart.

Napag-alaman ni Sanico na rescued stray dogs at cats pala ang mga kasama ng babae, at nangangalakal siya ng basura para may ipanustos sa kanila, bukod pa sa personal na pangkain niya.

"Share ko lang tong photos ni Nanay at kanyang mga rescued strays. (Dogs and Cats)," mababasa sa Facebook post ni Sanico.

Kahayupan (Pets)

AKF, muling kinondena Pasungay Festival

"Madalas sila along Quirino and dun daw sila madalas natutulog sa likod ng Victoria De Manila VDM Malate manila. (Photo taken in front of VDM along taft)."

"Nangangalakal si nanay pang kain niya at mga strays. Medyo gutom na ung dogs and cats niya. Nilapitan ko at mababait sila. Nagbgay lang ako ng onting halaga. Kasi wala akong dalang cat/dog food. At pauwi ako sa Las Pinas."

Kaya naman, panawagan ni Sanico sa mga makakakita sa kaniya, "Sa makakita sa kanila sa area na yan. Sana mabigyan niyo po sila ng cat and dog food. And hiling ni nanay na Sidecar/padyak sana dahil ndi na kasya ung mga rescued niya. Maraming salamat."

://

Sa comment section ng kaniyang post, maraming netizen ang nagnanais na mahanap ang nabanggit na babae upang maabutan ng tulong.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Sanico, sinabi nitong madalas ay natutulog lang daw ang babae sa likod ng Victoria De Manila sa Malate, Manila.

Nabagbag daw ang damdamin ni Sanico dahil tulad ng babae, malapit din ang puso niya sa stray dogs at cats.

"Meron na akong 3 dogs (2 aspin na adopted po 1 pomeranian. 4 cats lahat adopted/rescued," aniya.

Dahil limitado lamang ang espasyo niya sa bahay, bumabawi na lamang si Sanico sa feeding program sa mga aso at pusa.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!