Inamin ng TV host-actor na si Anjo Yllana na hindi na raw siya umaaasa pang makabalik sa longest-running noontime show sa bansa na “Eat Bulaga.”

Sa latest episode kasi ng vlog ni showbiz insider Ogie Diaz kamakailan, sinabi ni Anjo ang tungkol sa umano’y patakaran ng naturang noontime show sa oras na umalis o tinanggal ang isang nagtatrabaho doon.

“Sa ‘Eat Bulaga’ kasi once wala ka na doon, tinanggal ka or nag-resign ka, wala pa akong kilala na nakabalik kahit gusto nila bumalik. Gan’on ang patakaran ng ‘Eat Bulaga,’” saad ni Anjo.

“Kaya no’ng sinabi sa akin: ‘Gusto mo bang bumalik?’ Dati ko pang alam noong nag-resign ako, hindi na ako makakabalik. Although pwede kang mag-guest at habang buhay ka nang Dabarkads,” aniya

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Kaya hindi na raw siya umaaasang makakabalik pa sa “Eat Bulaga” bagama’t aminado siyang nangangarap pa rin siya na makasama ulit ang mga kasabayan niya noon.

“Dreaming lang kasi masaya. Nangangarap lang ako na kunwari nandoon ka, kami pa rin ni Jimmy [Santos]. Nangangarap ako na magkakasama pa rin kami no’ng mga nawala na rin. Kasi sila ‘yong matagal kong kasama,” wika ni Anjo.

Dagdag pa niya: “Nangangarap lang ‘Ang saya siguro ‘pag nandiyan pa rin kami’ Hanggang gano’n na lang pero alam kong hindi na dapat ako umaasa doon. Kasi sa record wala pang bumabalik na Dabarkads.”

Matatandaang Agosto 2020 nang umalis si Anjo sa “Eat Bulaga” matapos ang mahigit dalawang dekadang pagho-host. Kalaunan nag-host naman siya sa “Happy Time” ng Net 25, katapat na noontime show ng EB.