Binalikan ng mga netizen ang mga naging pahayag ni "Abot Kamay na Pangarap" star Carmina Villarroel sa podcast nilang apat nina Candy Pangilinan, Gelli De Belen, at Janice De Belen noong May 14, 2022.

Sa kanilang podcast na "Wala Pa Kaming Title (Episode 2) na mapapanood din sa ">YouTube channel ni Janice, dito ay pinag-usapan nila ang magiging reaksiyon at gagawin nila kung sakaling mag-uwi o magdala ang mga anak nila ng isang tao sa kani-kanilang bahay, halimbawa raw ay jowa pero hindi nila type o bet.

Unang sumagot dito ay si Carmina.

"Ako kasi whether friends, kapitbahay, or ka-eskuwela, kasi very open kami eh, kilala ko mga kaibigan ng mga anak ko, so kapag may nakukuwento sila or may na-witness ako sinasabi ko right away, na hindi ko siya type, whether kaibigan or kapitbahay sinasabi ko na kaagad. Sa case ko na gano'n, 'pag sinasabi ko agad, hindi na 'yan makakaulit sa bahay."

Pelikula

Sine Singkwenta: ₱50 na movie ticket, handog ng FDCP at MMFF

Sundot naman ni Gelli, "Eh pa'no kung girlfriend na niya?"

"Hindi ko nga siya matatanggap," sey kaagad ni Carmina. "Ano, ako mag-aadjust sa kaniya, ako mag-aadjust do'n sa girlfriend?"

"Pero may I just tell you, wala kang magagawa," sundot naman ni Janice.

"Ayoko ng topic na 'to bahala kayo sa buhay n'yo," nasabi na lang ni Carmina na ikinatawa naman ng tatlo.

Naungkat ang podcast na ito dahil sa isyu ng pagiging "overprotective" daw ni Carmina sa kambal na anak na si Mavy Legaspi at Cassy Legaspi, at sa umano'y break-up ng una sa Kapuso actress na si Kyline Alcantara, na tila nagparinigan pa nga raw sa social media.

Matapos nito, ang iniisyu naman ay sina Darren Espanto at Cassy Legaspi matapos nilang sabihing mag-best friend lang sila. Pinagsususpetsahan ng mga netizen na baka may sey rin daw si Carmina sa status o real score ng ugnayan nilang dalawa.

Samantala, wala pang pahayag si Carmina tungkol sa isyung ito.