Usap-usapan ang banat na biro ni "It's Showtime" host Jhong Hilario sa kaniyang co-host na si Kim Chiu matapos nitong hiritan ng pa-sampol ang guest nilang si Alexa Ilacad.

Nag-guest sina Alexa at katambal na si KD Estrada o kilala bilang "KDLex" sa noontime show upang i-promote ang kanilang concert sa Mayo 31.

"Alexa, puwede ka ba mag-sampol," hirit ni Kim na ikinatawa ng hosts.

Pinagbigyan naman ni Alexa ang kahilingan ni Kim na pinuri naman ng hosts.

Tsika at Intriga

Di na ba masarap panoorin? Sarap 'Di Ba, sisibakin na raw sa ere

Biro ni Jhong kay Kim, "Hayan na naman si Kim eh."

Matatandaang nagkaroon ng isyu sa pagitan nina Kim at Janella Salvador nang hiritan ni Kimmy si Janella na mag-sampol subalit hindi ito nagpaunlak dahil paos daw siya.

Kambyo na lang ni Kim, pakikinggan na lang nila ang kanta ni Janella sa Spotify.

Mas lalong lumala ang isyu matapos gayahin ni Vice Ganda ang sinabi ni Janella sa segment na "EXpecially For You," na anila ay pa-shade daw kay Janella.

MAKI-BALITA: Janella, iniisyung ‘pinahiya’ si Kim sa Showtime; Vice Ganda, nagpa-shade?

MAKI-BALITA: Janella Salvador nagsalita sa isyung ‘pinahiya’ ‘si Kim Chiu