Pinabulaanan ng Kapamilya actress na si Dimples Romana ang haka-hakang hiwalay na umano ang mag-asawang sina Angel Locsin at Neil Arce.

Sa ulat ng ABS-CBN News nitong Linggo, Abril 14, kinumpirma raw ni Dimples na happily married pa rin daw si Angel.

Kasalukuyan kasing naka-social media hiatus si Angel at tila nag-eenjoy naman ang aktres batay sa lumabas na ulat noong Setyembre 2023 taliwas sa inaakala ng marami.

MAKI-BALITA: Angel Locsin ineenjoy absence sa social media

Relasyon at Hiwalayan

Barbie Forteza, handa nang magpakasal?

“I get to see her naman, she's very, very happy and happily married, and Neil is taking very good care of her," pahayag ni Dimples. 

"The thing is, people are so involved with social media that we think if we don't see married people posting online together, parang hiwalay na sila! No po! Hindi ibig sabihin wala sa social media, doesn't mean it's not happening," aniya.

Dagdag pa niya: "Sometimes a little off of social media can do you good. Kadalasan sa social media pa galing 'yong frustrations mo, ‘yong comparison mo with the life of others, and when you pause a little bit and know that not everything on social media can be helpful to you, you'll be able to recognize that you too can have a happy life like Neil and Angel, na halos offline sila but they're very, very happy."

Matatandaang hindi ito ang unang beses na nagsalita si Dimples tungkol sa kalagayan ng kaniyang matalik na kaibigan. 

MAKI-BALITA: Beshy na si Dimples Romana, nagsalita kung anyare na kay Angel Locsin