Nakakaloka ang komento ng mga netizen sa pagpasok ng Vivamax sexy actress na si Angeli Khang sa teleserye ng GMA Network na “Black Rider.”

Sa video teaser kasi na ibinahagi ng GMA Public Affairs noong Sabado, Abril 13, ganap nang ipinakilala ang karakter ni Angeli Khang sa naturang teleserye. 

“Dakila, matigas at malaki, 'yan daw ang mga katangian ng lalaking hanap ni Nimfa, ang karakter na gagampanan ni Vivamax star Angeli Khang sa 'Black Rider.'” saad sa caption ng naturang post.

“Teka, ang mga katangiang ito, nakita niya kay Elias...kay Black Rider?!” dugtong pa nila.

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

Kaya naman, humakot ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Hindi rin naiwasang mabanggit ang pangalan ni Bianca Umali na kasalukuyang jowa ni Ruru Madrid at siyang gumaganap bilang Elias. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Bianca left the earth HAHA”

“Humanda kna Bianca umali😂”

“black rider na may konting viva max 🤣”

“Hala bianca ano na hahha”

“bat may bold”

“Nku kabahan kana bianca🤣”

“Congrats gma network napunta si angeli khang dame naman tatayuan nyan”

“Bold na pla Ang black rider??”

“Ang lupit ng pagpasok ni angeli khang trending maraming gaganahan manood”

“Dyan kananamn magpapakantot”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 3.1k reactions at 258k views ang naturang video teaser.