Nakakaloka ang mga netizen dahil matapos i-ship si "Abot Kamay na Pangarap" star Jillian Ward kay Kapamilya singer, actor, at "It's Showtime" host Darren Espanto, heto't kay Kapuso star Kyline Alcantara naman siya inirereto.

Nag-guest kasi si Kyline sa Showtime noong Abril 10, at dito nga ay kinantiyawan ng kapwa hosts at madlang people si Darren nang magkita sila ni Kyline sa studio.

Sa kaniyang Instagram post naman ay ibinida ni Kyline ang moment niya habang nasa ABS-CBN compound, kung saan nostalgic para sa kaniya dahil bago maging Kapuso ay Kapamilya muna siya.

"hola, Madlang Kapuso," ani Kyline sa caption.

Relasyon at Hiwalayan

'Sky is the limit daw!' Madir na si Jackie, aprub kay Kyline para kay Kobe?

Makikita naman ang pagkomento rito ni Darren, "Kasi nga..."

Tugon naman ni Kyline, "@darrenespanto kasi namern"

Dahil dito, kinilig ang mga netizen sa tila "lambingan" ng dalawa.

"@darrenespanto grabe na kayo mag kilig sa tanghali 😭"

"ANO BA YON ESPANTO?? ITULOY MO YAAAN"

"kasi nga ano? Buong showtime host clueless eh kayo lang nagkaintindihan HAHHAHAHA"

"Huy baka naman puwede na kayo hahaha tutal hindi na kayo linked sa kambal."

Sina Kyline at Darren ay parehong may kaugnayan sa kambal ng beteranang aktres na si Carmina Villarroel. Si Kyline at ex-girlfriend ni Mavy Legaspi habang si Darren naman ay na-link sa kaniyang "best friend" na si Cassy Legaspi.

Naging kontrobersiyal ito dahil sa umano'y parinigan sa social media nina Kyline at Carmina, bagay na hindi naman kinumpirma ng dalawa, hanggang sa maglaho na nga ang interes ng mga tao tungkol dito.

MAKI-BALITA: Carmina may mensahe sa kambal; reaksiyon sa Mavy-Kyline breakup rumors?

Kamakailan lamang ay usap-usapan ang cryptic posts nina Cassy at Carmina, na ayon sa mga netizen, ay baka parinig daw kay Darren nang mangumpisal ito sa Showtime na single siya.

MAKI-BALITA: Resbak para kay Cassy? Cryptic post ni Carmina, pasaring daw kay Darren

MAKI-BALITA: Matapos ang ‘resbak’ ni Carmina; Cassy, nagpasaring din kay Darren?

Ganito rin ang sinabi ni Darren nang tanungin ulit siya ng ABS-CBN News hinggil sa real-score nila ng Sparkle artist.

MAKI-BALITA: Darren, tinuldukan na ang isyu tungkol sa relasyon nila ni Cassy

Matapos nito, sa isang panayam ay kinumpirma nga ni Cassy na magkaibigan lang talaga sila ni Darren.

MAKI-BALITA: Cassy Legaspi, nagsalita na tungkol sa relasyon nila ni Darren Espanto