Wala raw katotohanan ang kumakalat na quote card ni “Eat Bulaga” host Maine Mendoza tungkol sa reaksiyon nito sa panliligaw umano ni Asia Multimedia Star Alden Richards kay Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo.

Sa isang episode ng “Cristy Ferminute” noong Biyernes, Abril 12, sinabi ni Cristy kung ano ang nilalaman umano ng naturang quote card.

“Ang sabi raw niya [ni Maine]: ‘Ako, walang problema with Kathryn. She deserves to be happy. Pero with Alden, kung manliligaw ka panindigan mo. Totohanin mo! ‘Wag kang paasa!’ Isipin mo, sasabihin ba ni Maine Mendoza ‘yan?” saad ni Cristy.

“Oo, may halong bitterness tuloy ang peg niya. Nakakaloka!” sey naman ng co-host niyang si Romel Chika.

Tsika at Intriga

BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy

Kaya naman, pinaalalahanan ng showbiz columnist ang publiko: “Mag-iingat po tayo. Obserbahan po nating mabuti. Gamitin po natin ang ating isip sa pagpili ng ating paniniwalaan.”

Matatandaang isa si Alden sa mga guest sa surprise birthday party ni Priscilla Tañedo o “Boop Yap” para kay Kathryn kung saan naispatang magkayakap ang dalawang artista.

MAKI-BALITA: ‘Pa’no si Jericho?’ Alden at Kathryn naispatang magkayakap

Pero sa kabila ng sweetness ng dalawa, hindi pa kinukumpirma ni Alden na nanliligaw siya ni Kathryn bagama’t sa isang panayam ay isang makahulugang pahayag ang binitawan niya tungkol sa real score nila ng aktres.

MAKI-BALITA: Alden sa relasyon nila ni Kathryn: ‘What you see is what you get’