Nasabi ng aktres na si Kaye Abad na sa estado ng buhay niya ngayon, hindi pa rin maiiwasang makaramdam siya ng insecurities lalo na sa aspetong pisikal.

Sa panayam sa kaniya sa "Fast Talk with Boy Abunda" para promotion ng reunion movie nila nina Paolo Contis at Patrick Garcia, naungkat ni Boy ang pagkakaroon ng insecurities ni Kaye. Inamin ni Kaye na madalas, hindi siya nagagandahan sa kaniyang sarili.

“Sa height ko, na sabi ko nga magpapa-chiropractor ako baka tumaas-taas pa ako kahit 1 inch lang. Magpapa-stretch lang ako ng konti. Sa height ko, insecure ako sa height ko. Sa itsura ko, oo. Tuwing magge-guest ako sa ‘yo, yon talaga 'yong topic na hindi talaga.”

"Ako naman hindi naniniwala," hirit naman ni Boy.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

"Sinasabi nila 'Hmmm kunwari ka lang...' hindi po, hindi talaga. I would look my face sa mirror, always na... hindi ako pangit, hindi ako napapangitan sa sarili ko, hindi ko sinasabing pangit ako, pero hindi ako nagagandahan, hindi ako 'yong talagang maganda."

Nang tanungin siya kung sinong artista ang pumapasok kaagad sa isipan niya kapag napag-uusapan ang kagandahan, ang unang sumasagi raw ay si Kapamilya actress Iza Calzado.

Dito na naungkat ni Kaye ang nasabi noon ng DJ na si Mo Twister tungkol sa pagkukumpara sa kanilang dalawa ni Iza.

"Sinabi nga ni Mo Twister 'yon eh, na ako raw ang ugly version ni Iza Calzado. At sinabi ko kay Iza Calzado 'yon, at tatanggapin ko 'yon. At least ugly version.”

Sinabi naman ni Boy na sumasang-ayon siyang may anggulo si Kaye na katulad ni Iza bukod pa sa pareho sila ng skin complexion.

Sa comment section, hindi naman sang-ayon ang mga netizen na "ugly version" o "ugly" si Kaye.

"Pag ganda ang pag uusapan isa si kaye abad ang maiisip ko na may pinaka magandang mukha sa showbiz, hindi nakakasawang pagmasdan,very genuine and very simple"

"Natural na maganda si Kaye. Ung smile at dimples nya ang asset nya kaya madaming nabighani sa kanya at saka walang kaarte arte. Ang cute cute nya mag salita napaka jolly. God bless you and your family!"

"Ito lang ang tanging artista na nakalakihan ko na hindi talaga nagpapagluta, she stayed the same on her skin color and image. I admired her so much grabi. She is the true beauty of showbiz. Walang artificial para gumanda."

"Ganda ng face ni Kaye. Very youthful pa rin kahit 40s na."

"Gandang ganda ako dito kay KAYE , natural na natural yong beauty nya walang halong chemical talaga. Walang nagbago ang ganda parin nya at napaka simple nya ever."

Si Kaye ay hindi na gaanong ka-aktibo sa showbiz matapos magpakasal sa dating "Pinoy Big Brother" housemate at negosyanteng si Paul Jake Castillo.

MAKI-BALITA: Kaye Abad, super crush noon si Patrick Garcia

MAKI-BALITA: Kaye Abad, nahirapang mag-move on kay John Lloyd Cruz