Inamin ng aktres na si Kaye Abad na sa lahat daw ng naging jowa niya ay kay award-winning actor John Lloyd Cruz daw siya pinakanahirapang mag-move on.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, Abril 12, ipinaliwanag ni Kaye ang dahilan kung bakit siya nahirapan.

“Kasi after—ngayon ko lang din nare-recall e—nag-’Tabing Ilog’ hiwalay na kami. So, nahirapan akong mag-move on kasi magkatrabaho kami, magka-love team kami. Umabot sa point na mag-asawa kami sa ‘Tabing Ilog,’” lahad ni Kaye.

“Tapos nagka-girlfriend siya after ko, ‘di na niya ako pinapansin kasi nagseselos ‘yong girlfriend sa akin,” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Pero naiintindihan naman daw ni Kaye ang pagseselos ng jowa noon ni John Lloyd dahil nga magka-love team sila ng aktor.

“Hindi mo maiiwasan na may kissing, may ano. So, naiintindihan ko ‘yong side ng girl,” saad niya.

Gayunpaman, magkaibigan naman sila ni John Lloyd sa kasalukuyan. In fact, nag-reunion pa nga silang dalawa sa isang sitcom.

MAKI-BALITA: Kaye Abad, John Lloyd Cruz nag-reunion sa sitcom