Nagbigay ng pahayag ang Sparkle artist na si Cassy Legaspi tungkol sa relasyon nila ni “It’s Showtime” host Darren Espanto.

Sa panayam ng GMA Integrated News nitong Biyernes, Abril 12, kinumpirma ni Cassy na best friend daw talaga sila ni Darren.

“It so hard to explain what we have pero best friend talaga kami,” saad ni Cassy.

Ganito rin ang sinabi ni Darren nang tanungin siya ng ABS-CBN News hinggil sa real-score nila ng Sparkle artist.

Relasyon at Hiwalayan

Mommy ni Gerald Anderson, humihirit na ng apo?

MAKI-BALITA: Darren, tinuldukan na ang isyu tungkol sa relasyon nila ni Cassy

Bukod pa rito, nilinaw din ni Cassy na wala raw silang pinaparinggan ng ina niyang si Carmina Villaroel sa kanilang mga social media post.

Matatandaan kasing ipinagpalagay ng mga netizen na patama umano kay Darren ang post ng mag-ina matapos nitong aminin sa isang episode ng “Showtime” na raw siyang girlfriend.

MAKI-BALITA: Resbak para kay Cassy? Cryptic post ni Carmina, pasaring daw kay Darren

MAKI-BALITA: Matapos ang ‘resbak’ ni Carmina; Cassy, nagpasaring din kay Darren?

MAKI-BALITA: Sey mo Cassy? Darren Espanto may inamin, walang girlfriend ngayon