Nagbigay ng pahayag si Kapamilya actress Maris Racal tungkol sa unexpected love team nila ni Anthony Jennings sa ginanap na thanksgiving media conference ng “Can’t Buy Me Love.”

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Biyernes, Abril 12, matutunghayan ang recorded video kung saan sinabi ni Maris na nagpapasalamat daw siya sa mga nakaisip na itambal siya kay Anthony.

“Thankful po talaga kami sa Star Creatives, sa show, sa mga nag-isip, sa mga nag-conceptualize, sa nakaisip na i-pair kami. 

“Thankful ako dahil do’n nakilala ko si Anthony. Sobrang sarap katrabaho, sobrang sarap kaeksena,” aniya.

Events

Listahan ng mga nagwagi sa 2024 MMFF Gabi ng Parangal

Dagdag pa ng aktres: “Finally, nakahanap din ako no’ng kaeksena na sobrang well-conected like alam namin kung saan namin gustong dalhin ‘yong eksena.”

Matatandaang nangingibabaw ang tambalan nina Maris at Anthony sa naturang teleserye dahil sa nakakaaliw at nakakakilig na eksena ng dalawa. In fact, binansagan na ngang  “SnoRene” ang loveteam nila. Kombinasyon ng pangalan ng kanilang character na sina “Snoop” at “Irene.”

MAKI-BALITA: ‘Sapaw sa DonBelle?’ Chemistry nina Maris at Anthony, bet ng netizens