Dismayado ang mga netizen sa bagong segment ng Eat Bulaga na “That’s My Boyfriend” dahil tila ginaya raw ito sa 'EXpecially For You' ng It's Showtime.

Sa X post ng Eat Bulaga TVJ noong Miyerkules, Abril 10, inanunsiyo nila ang pagpapalabas sa bagong nabanggit na segment.

“That's My Boyfriend na! ❤️” saad sa caption.

Pero sa halip na matuwa, umani ng mga negatibong komento ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga hanash:

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“Kokopya na lang di pa ginalingan!”

“Sana nag “That’s My Tomboy” nalang kayo para may variety naman lang💁‍♀️”

“Gaya gaya kayo sa Showtime bwak bwak bwak”

“Korny, prng ginagaya nyo s kbila, kala ko that's my boy, as in Bata prng baby baste.”

“Naku naman @EatBulaga THINK of a new concept, please! Dyusme, boring na nga kapareho pa sa competitor nyo. Bring in some new and exciting ideas. Kahit sa TikTok daming ideas dun na pwede I-explore.”

“Dami pwd maging segment parang katulad pa s its showtimw wla b originality copycat pa more”

“This might be the worst segment of all time from eat bulaga… it’s really bad”

“Ang baduy. Malamang si joey na naman nakaisip nito.”

Ang “EXpecially For You” ay isang segment sa “It’s Showtime” kung saan muling magtatagpo ang dating mag-jowa para tulungan ang isa sa kanila na matagpuang muli ang bagong pag-ibig.

Samantala, ang "That's my Boyfriend!" ng Eat Bulaga naman ay isang segment kung kikilalanin ang mga #LegitDabarkads na in a relationship at aalamin ang kanilang talento at kwento.