Itinanggi ni “Hello, Love. Goodbye” director Cathy Garcia-Sampana ang tungkol sa umano’y pagharang ni Kapamilya star Daniel Padilla sa sequel ng naturang pelikula.

MAKI-BALITA: Daniel hinarang daw ang part 2 sana ng ‘Hello, Love, Goodbye’ dahil sa selos?

Sa ulat ng isang pahayagan nitong Huwebes, Abril 11, sinabi umano ni Direk Cathy sa isang panayam kamakailan na wala raw kakayahan si Daniel na pigilan ang malaking proyekto na gaya ng “Hello, Love, Goodbye.”

"Hindi naman si Daniel. Hindi naman kayang hadlangan ni Daniel ang gano'ng kalaking proyekto," pahayag ng direktor.

Riggghhhooouuurrr! Sino-sino nga ba ang mga babaeng na-link kay John Estrada?

Dagdag pa niya: "At saka si Kathryn ay may sariling isip. 'Pag gusto niya, gusto niya."

Bukod pa rito, sinabi rin ni Direk Cathy na wala pa raw kumpirmasyon hinggil sa part 2 ng naturang pelikula bagama’t willing naman daw silang gawin ito.

"Wala pang confirmation. Lahat kami ay umaasa pa lang na sana nga, 'no? Kung ang ibang tao ay gusto, kami din gusto namin," sabi niya.

Samantala, tila “naamoy” naman ng mga netizen na malapit nang maisakatuparan ang sequel dahil sa latest Instagram post ni Direk Cathy kung saan makikitang nasa Hong Kong International Airport siya kasama si Star Cinema’s Creative Head Carmi Raymundo.

MAKI-BALITA: Netizens, ‘naaamoy’ na ang part 2 ng ‘Hello, Love, Goodbye’

Matatandaang matagal nang hinihirit ng fans na sundan na ang “Hello, Love, Goodbye” at ngayong single na si Kathryn ay lalong lumalakas ang panawagan na ituloy ito.

MAKI-BALITA: Fans ng ‘Hello, Love, Goodbye’ nina Kathryn Bernardo, Alden Richards, hirit na ang sequel