Nagbigay ng pahayag si Asia’s Multimedia Star Alden Richards kaugnay sa viral video nila ni Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo.

Sa eksklusibong panayam kasi ng GMA Integrated News noong Miyerkules, Abril 10, sinabi umano ni Alden na “what you see is what you get” nang tanungin siya kung ano na ba ang real-score sa pagitan nila ni Kathryn.

“Hindi lang din talaga kailangan laging ipamalita sa social media ‘yong mga ganyan. But, you know, sometimes ‘yong mga personal things that’s happening better be personal na lang,” saad ni Alden.

Matatandaang isa si Alden sa mga guest sa surprise birthday party ni Priscilla Tañedo o “Boop Yap” para kay Kathryn kung saan naispatang magkayakap ang dalawang artista.

Relasyon at Hiwalayan

Melai Cantiveros, itinangging niloko siya ni Jason Francisco

MAKI-BALITA: ‘Pa’no si Jericho?’ Alden at Kathryn naispatang magkayakap

"I was invited and siyempre, it was part of her post-birthday celebration with friends and family. Masaya naman," sabi ni Alden.

Dagdag pa niya: "Masaya naman 'yung naging experience and you can see how happy Kath is right now."

Sa kasalukuyan, abala raw ang aktor sa on-going na taping ng biggest family drama series na “Pulang Araw.”