Pinatutsahan ni Brenda Mage ang mga bumabatikos sa kaniya nang isapubliko niya ang hiwalayan nila ng kaniyang nobyong si Gio Sta. Ana.

Sa isang Facebook post kamakailan, ibinahagi ni Brenda na kaniyang saloobin tungkol sa pagmamahal. Aniya, huwag daw matakot magmahal dahil lang sa mga mapanghusgang tao sa paligid.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Masarap mag mahal. [Huwag] kang matakot magmahal dahil lang sa mapanghusgang tao sa paligid. Tandaan mo [hangga’t] wala kang tinatapakang tao at masaya ka sa ginagawa mo/n’yo, [ipagpatuloy] mo lang. Kung maghiwalay man kayo then accept it and move on basta alam mo sa sarili mo saan ka lulugar at kung paano mo tatanggapin ang importante naging masaya ka sa kung [anong] meron kayo,” saad ni Brenda.

“Tandaan ang tunay na pagmamahal ay hindi nasusukat sa tagal ng relasyon. Kahit araw o linggo o buwan lang ang inabot ng relasyon n’yo kung naging masaya kayo ok na ‘yun. ‘Yang mga maraming satsat sa paligid ‘yan ang mga takot at ‘di nakaranas ng tamis ng tunay na pag-ibig kaya nangingialam na lang ng ibang relasyon hahaha,” dagdag pa niya.

Ipinagmamalaki rin ni Brenda na naging masaya siya sa mga naging karelasyon niya kahit ganoon daw ang itsura niya na mukhang tiyuhin.

“Basta ako naging masaya ako sa naging relasyon ko kahit ganito ang itsura ko na mukha pang [tiyuhin] n’yo at take note MGA GWAPO! at for the record [5] times na ‘ko nagkajowa at nakipaghiwalay pero never ako magngangawa sa iyak dahil sa niloko ako o ginamit ako dahil alam ko sa sarili ko ang ganitong relasyon ay panandalian lamang at may hangganan ang importante nasabi ko na naging masaya ako,” sey niya.

Sunod nito ay pinatutsadahan niya ang mga nagsasabing ginamit lang daw siya ng kaniyang dating nobyo.

“HOY FYI 12 years ang Kathniel at 11 years ang KimXi perfect ang mga mukha babae at lalaki naghiwalay pa! Hiyang-hiya naman ako! Acclang ‘to! Ang dami kong kilala magaganda na inanakan pa iniwan din naman! Ako pa ba? ‘Di bale nagkahiwalayan ang importante nagkatikiman! Ang daming lalaki juice colored!” aniya,

“Kasalanan ko bang lapitin ako ng mga bagets na gwapo hahaha. At mind you hindi ko kasalanan kung mas barako pa itsura ko sa mga jowa ko. Si Lord nagbigay nito alangang magreklamo ako,” dagdag pa niya.

Matatandaang halos dalawang taon ding naging magkarelasyon sina Brenda at Gio.

MAKI-TSISMIS: Brenda Mage at jowa, hiwalay na: ‘Salamat sa 22 months nating dalawa!’