URBIZTONDO, Pangasinan — Natagpuang palutang-lutang sa Agno River ang bangkay ng isang lalaki nitong Abril 10.

Nadiskubre ni Botbot delos Santos ang naturang bangkay habang nagpapastol at agad na iniulat sa awtoridad.

Probinsya

Malawakang rotational brownout sa Siquijor, nauwi sa deklarasyon ng state of calamity

Ayon sa pulisya, may taas na 5’4” hanggang 5’6” ang biktima, may suot daw itong maong short pants at navy blue jersey shirt na may nakasulat na “17” at “Calangian” sa likod.

Pinaniniwalaan itong nalunod ito at inagos.

Kinuha naman ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office-Urbiztondo ang naturang bangkay.