Pinagkatuwaan ng mga netizen ang mga larawan nina Kapamilya at "It's Showtime" host Karylle at Kapuso actress Gabbi Garcia matapos nilang i-flex ang pagsasama at pagkikita nila nang mag-guest ang sa nabanggit na noontime show noong Sabado, Abril 6, sa unang araw ng pag-ere ng ABS-CBN noontime show sa GMA Network.

Sina Karylle at Gabbi ay parehong gumanap bilang "Sang'gre Alena" sa iconic fantasy series ng Kapuso Network na "Encantadia."

Si Karylle ang OG Sang'gre Alena at si Gabbi naman ang gumanap sa remake version nito noong 2016.

Bukod kay Gabbi, nakasama rin ni Karylle ang iba pang sang'gre sa remake version gaya nina Glaiza De Castro (Pirena) at Sanya Lopez (Danaya).

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Natuwa naman ang mga netizen sa muling pagsasama-sama ng original at remake version sang'gres, subalit pinagkatuwaan ng mga netizen ang larawan nina Gabbi at Karylle na nakalahad ang kamay.

Sa serye kasi, kapag nakalahad na ang kamay nila, ipinakikita na ang brilyante ng hangin na taglay nilang kapangyarihan. Pero sa photo kasi nila, siyempre wala namang CGI (computer-generated image) kaya nagmukhang nanghihingi raw sila ng pera.

"Walang barya mga teh sensha po."

"Yaman-yaman n'yo nanghihingi pa kayo ng pera."

"Mga inaanak, wala pang pera ang mga ninong at ninang n'yo."

"Mga treasurer pag may ambagan"

"Hingi ka barya tsk asa kayo dba may brillante kayo e sangla niyo sa palawan??"

"Kayaman-yaman nanglilimos."

"Saan daw yung ambag nyo"

Since nagko-collab naman na ang ABS-CBN at GMA Network, tingnan natin kung posibleng mapagsama ang OG sang'gres at remake version sang'gres sa isang "multiverse" hindi ba?