Usap-usapan ang cryptic Instagram post daw ng aktres na si Carmina Villarroel, na bagama't wala namang binanggit na pangalang mga kasangkot o kung ano ang konteksto nito, ay minamalisya ng mga netizen na parinig daw kay singer-actor-TV host Darren Espanto.

Mababasa sa shinare ni Carmina sa kaniyang Instagram story, “Don’t expect the same in return.”

Photo courtesy: Carmina Villarroel (IG)

Timing kasi ito sa pag-amin ni Darren kamakailan sa "It's Showtime" at sa isang panayam ng ABS-CBN News na single siya at mag-bestfriend talaga sila ni Cassy Legaspi, isa sa mga anak nina Carmina at Zoren.

Tsika at Intriga

Di na ba masarap panoorin? Sarap 'Di Ba, sisibakin na raw sa ere

Dahil dito ay nakitaan daw ng chemistry si Darren kay Kapuso actress Jillian Ward, at nag-iisip na raw sila ng posibleng kolaborasyon.

Natanong pa si Darren kung may ilelevel-up pa ba ang ugnayan nila ni Cassy.

"Not right now," sagot ni Darren.

Going back to carmina, bukod sa cryptic post niya ay nagkataon ding sumabay ito sa cryptic Instagram story ni Cassy kung saan ibinahagi niya ang kanta ng international singer na si Olivia Rodrigo, na may pamagat na "Favorite Crime."

Matatandaang inakusahan si Carmina ng mga netizen na masyado niyang bine-baby ang mga anak, partikular ang lalaking anak na si Mavy Legaspi, sa isyu naman ng break-up rumor nito sa Kapuso actress na si Kyline Alcantara.

Sa isang episode ng "Sarap Di Ba?" ay emosyunal na ipinaliwanag ni Carmina na gagawin niya ang lahat bilang magulang para protektahan ang mga anak.

MAKI-BALITA: Carmina may mensahe sa kambal; reaksiyon sa Mavy-Kyline breakup rumors?

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina Darren, Cassy, at maging si Carmina patungkol dito.